Mariano Marcos State University

University Library System

Antas ng kaalaman at pakikisangkot ng mga magulang sa pagbasa ng mga anak: batayan sa pagbuo ng gabay sa pantahanang pagbasa / Mark Louie P. Duldulao

By: Duldulao,Mark Louie PMaterial type: TextTextPublication details: 2021Description: x,156 leaves 28 cmSummary: ABSTRAK DULDULAO, MARK LOUIE PASION. Mariano Marcos State University Mayo 2021. ANTAS NG KAALAMAN AT PAKIKISANGKOT NG MGA MAGULANG SA PAGBABASA NG MGA ANAK: BATAYAN SA PAGBUO NG GABAY SA PANTAHANANG PAGBASA. Tagapayo: Maria Eliza S. Lopez, PhD Gamit ang metodolohiyang R and D na palarawang pananaliksik (descriptive design) pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na matukoy ang antas ng kaalaman at pakikisangkot ng mga magulang sa pagbasa ng mga anak sa tahanan na naging batayan sa pagbuo ng gabay sa pantahanang pagbasa. Kabilang sa pag-aaral na ito ang walumpo't apat (84) na mga magulang ng mga mag-aaral na nasa ikapitong baitang sa Lungsod Batac bilang mga tagatugon Gumamit ng tseklist (survey questionnaire) upang matukoy ang antas ng kaalaman at pakikisangkot ng mga magulang sa pantahanang pagbasa ng mga anak batay sa mga dimensiyong pagmomodelo, kognitibo at pangkagawian. Natuklasan sa pag-aaral na napakababa ang antas ng kaalaman at pakikisangkot ng mga magulang sa pantahanang pagbasa ng mga anak. Mula sa resulta ng sarbey ay nakabuo ng isang gabay para sa pantahanang pagbasa na nakapaloob ang mga mahahalagang gawain at tips para sa mga magulang upang magabayan ang mga anak sa pagbasa. Tatlong (3) eksperto ang nagsilbing ebalweytor ng binuong gabay gamit ang tseklist. Batay sa pagsusuri, puna at markang ibinigay ng mga eksperto hinggil sa baliditi ng mga nilalaman at paglalahad, kakayahang magamit at pisikal na ilustrasyon, lumabas sa pag-aaral na napakataas ang baliditi nito at angkop gamitin ang gabay sa pantahanang pagbasa ng mga anak sa tahanan.
Tags from this library: No tags from this library for this title. Log in to add tags.
Star ratings
    Average rating: 0.0 (0 votes)
Holdings
Item type Home library Shelving location Call number Status Notes Date due Barcode
Thesis/Dissertation MMSU Main Library
Theses and Dissertation Section Available ROOM USE ONLY 925-Thesis

Thesis (M.A.Ed. - Wika at Panitikan) - Mariano Marcos State University

Bibliography; leaves 88-99.

ABSTRAK DULDULAO, MARK LOUIE PASION. Mariano Marcos State University Mayo 2021. ANTAS NG KAALAMAN AT PAKIKISANGKOT NG MGA MAGULANG SA PAGBABASA NG MGA ANAK: BATAYAN SA PAGBUO NG GABAY SA PANTAHANANG PAGBASA. Tagapayo: Maria Eliza S. Lopez, PhD Gamit ang metodolohiyang R and D na palarawang pananaliksik (descriptive design) pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na matukoy ang antas ng kaalaman at pakikisangkot ng mga magulang sa pagbasa ng mga anak sa tahanan na naging batayan sa pagbuo ng gabay sa pantahanang pagbasa. Kabilang sa pag-aaral na ito ang walumpo't apat (84) na mga magulang ng mga mag-aaral na nasa ikapitong baitang sa Lungsod Batac bilang mga tagatugon Gumamit ng tseklist (survey questionnaire) upang matukoy ang antas ng kaalaman at pakikisangkot ng mga magulang sa pantahanang pagbasa ng mga anak batay sa mga dimensiyong pagmomodelo, kognitibo at pangkagawian. Natuklasan sa pag-aaral na napakababa ang antas ng kaalaman at pakikisangkot ng mga magulang sa pantahanang pagbasa ng mga anak. Mula sa resulta ng sarbey ay nakabuo ng isang gabay para sa pantahanang pagbasa na nakapaloob ang mga mahahalagang gawain at tips para sa mga magulang upang magabayan ang mga anak sa pagbasa. Tatlong (3) eksperto ang nagsilbing ebalweytor ng binuong gabay gamit ang tseklist. Batay sa pagsusuri, puna at markang ibinigay ng mga eksperto hinggil sa baliditi ng mga nilalaman at paglalahad, kakayahang magamit at pisikal na ilustrasyon, lumabas sa pag-aaral na napakataas ang baliditi nito at angkop gamitin ang gabay sa pantahanang pagbasa ng mga anak sa tahanan.

There are no comments on this title.

to post a comment.

© 2023 Mariano Marcos State University. All Rights Reserved.

Powered by Koha